Tuesday, April 1, 2008

Maalala pa kaya nila ako?



Papauwi na ako galing ng school ng may bigla akong naalala. Ilang araw na nga lamang pala at kami ay gagraduate na. "Maaalala pa kaya nila ako?" naitanong ko sa sarili ko. "Maalala ko pa kaya sila? Sinu-sino kaya ang mga magiging matagumpay sa mga larangan nila? sino kaya ang mga magkakatuloyan? Sino kaya ang unang mag-aasawa sa kanila? Maalala pa kaya nila akong tawagan o i-txt man lang para kuning Ninong ng mga magiging anak nila?". 'Yan ang mga tanong na pumasok sa isip ko habang papauwi na ako.

Sino nga ba naman ang makakalimot sa pinakamaingay sa klase na si Princess. Si Windy na sa unang tingin mo ay suplada kasi subrang tahimik. Pero, pagmatagal mo na siyang makakasama at makikilala na, masasabi mo na lang "Ay! Napakaingay rin pala niya..."

Si Theresa, dating "Angels". Iwan ko nga ba kung bakit kumalas siya sa grupo nila. At siyempre si Shiella, iwan ko ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya?

Siguro kasi, kasundo ko siya 'pag "Love Life" na ang pag-uusapan. Para kasing sa kanya ko lang nasasabi ang mga saloobin ko sa mga naging karelasyon ko... Sina Princess, Windy, Theresa at Shiella ang mga "Angels".

Oo nga pala, si Antonio magiging Angels na rin kayang tuloyan paggraduate namin? Si Antonio ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa lahat ng bagay kasundo ko siya. Siya rin ang madalas kong kasama, lalo na sa kalukohan.

Akala ko magiging magsyota sina Antonio at Shiella, pero hindi pala. Kasi, naging honest si Antonio sa girlfriend nya na si Kissy. Tapos, dumating naman si Rhandy sa buhay ni Shiella.


Hindi ko na namalayan ang oras at napatigil ako sa pag-iisip ko ng katukin ni Antonio ang Jeep. Bababa na pala siya.Natanong ko sa sarili ko "Nasaan na nga ba ulit ako sa pag-iimahinasyon ko?". Inalala ko lahat ng inisip ko kanina mula noong pagsakay namin ni Antonio sa Jeep. "Oo nga pala ang mga kaklase ko, maalala pa kaya nila ako?". Tanong ko muli sa sarili ko.


Si Melca, magaling mag-Adobe katulad ni Theresa. Magiging Graphics Designers kaya sila? Si Loremiel, mapapansin na kaya siya ni Slam? Si Sarah, ano kaya mangyayari sa kanya pagkatapos ng graduation?

"Bababa na pala ako." Sabi ko sa sarili ko.

Sana sa pagkikita-kita naming mga magkaklase muli ay Big Time na kaming lahat.




In the near Future
"Ang mga Angels ay nagtatrabaho na bilang mga Web Designers sa isang 3 storey IT Building. Kung saan popular ang mga pangalan nina Mr. Rhaymund Hernando at Mr. Antonio Padillo na pinakamagagaling na Web Programmer at malakas pa rin ang mga dating nila sa mga babae kahit may anak na si Antonio kay Kissy. Magpapahuli rin ba sina Melca, Loremiel at Sarah na kilalang-kilala bilang mga Graphics Designers sa Building na iyon. Habang si Connie ay isa sa pinakamahusay na Link Builders doon. Ang Building na iyon ang nagsisilbing tambayan ng mga dating magkaklase, habang binabalik tanaw ang mga nakaraan at siyempre mawawala ba naman ang kulitan na nagiging dahilan kung bakit palagi silang pinagagalitan ng manager nila. At siyempre ako ang madalas na nagagalit sa kanila, kaya ang ibig sabihin Ako ang Manager nila"...Char!!!...




Ganito lang talaga ang buhay kung minsan mapagbiro, kaya sumabay ka lang sa agos nito. Malay natin magkatotoo lahat ng mga ito.





Eduardo M. Mahinay Jr
DEP
Batch 2008


1 comment:

Jean said...

hmmm... how nice naman blog mo Ed, lam mo namimiss ko tuloy ang mga classmates ko.. Grabe din ang bonding namin noon...

isang taon na rin ang nkalipas,, at wala na akong balita sa iba..


Wish u luck!